Thirdy ‘di makalimutan si Scarlet Snow

MANILA, Philippines — Hindi maka-move on si Japan B. League-bound player Thirdy Ravena sa ka-cute-tan ng anak ni celebrity dermatologist Vicki Belo na si Scarlet Snow.

Naka-bonding ng three-time UAAP MVP ang 5-year old na anak ni Belo sa kapwa doktor at modelo na si Hayden Kho noong nakaraang linggo kung saan naging ‘yayo’ siya nito.

Tinugtog si Scarlet Snow sa piano sa harap ni Ravena, isa ring endorser ng cosmetic clinic,  ang kantang ‘Sweet Home Alabama’ ni Lynyrd Skynyrd.

“Will definitely not forget about you when I’m in Japan. #Sky,” caption ni Ravena sa Intagram post piyang picture nilang dalawa na pinusuan ng mga netizens na higit na sa 33k ang likes.

Nakatakdang mag-debut sa Japan B-League ang three-time UAAP Champion sa darating na Oktubre 3 at wala pang katiyakan kung kailan ang alis niya sa bansa. (

 

Show comments