MANILA, Philippines — Angat na angat ang ganda ni Cignal HD Spikers outside hitter Rachel Anne Daquis sa latest selfie na kanyang pinost sa kanyang mga social media.
Feeling beauty queen ang sikat na volleybelle nang ibida niya ang kanyang hair and make-up sa behind the scene ng bago niyang endorsement.
“Soon,” ang simpleng caption ng Philippine Superliga (PSL) three-time Best 1st Outside Spiker sa nasabing post.
Manghang-mangha ang netizens sa ganda ng tinaguriang ‘Queen RAD’ base sa unang letra ng kanyang pangalan at may 14k reactions at 212 shares.
Nag-iwan ng comment si Trisha Sisonrojas na: “Stunning beauty” habang nag-comment naman si Reena Fuentes Cantuba ng: “Ang ganda. Stay safe Queen RAD.”