Baron, Dimaunahan nagpakita ng kaseksihan

Majoy Baron at Christiana Dimaunahan

MANILA, Philippines — Tag-ulan na pero summer na summer pa rin ang peg nina volleyball star Majoy Baron at basketball prodigy Christiana Dimaunahan na nagpakita ng kanilang ka-seksihan sa social media.

Suot ang two-piece brown bikini ay ipinakita ng F2 Logistics Cargo Movers middle blocker kanyang toned na katawan sa isang mirror selfie.

Tanging isang pensive face emoji ang caption niya sa photo sa Instagram na may lagpas 27k likes na at 260+ comments na puro paghanga sa kanyang sexy photo.

Kakatuwang komento naman ang iniwan ni volleyball analyst Benggadora na napasabi ng: “Mars??? Inaano ka ba?? Guard! Pa-kihuli ito. Nanlalamang na naman sa ganda. Hahahahaha!”

Nagpost din ng kanyang summer-look ang National University Lady Bulldogs hooper na si Dimaunahan.

Mirror selfie rin ang shinare ni Dimaunahan sa Instagram habang naka-upo ito suot ang green na one piece bikini.

“Good Morning” maiksing sinabi ng basketbolista sa naturang larawan na talaga naman nagpanganga sa mga netizens at halos 30K na ang likes at lagpas 200 comments.

 

Show comments