^

PM Sports

De Ocampo pinalakas ang TNT coaching staff

John Bryan Ulanday - Pang-masa
De Ocampo pinalakas ang TNT coaching staff
Ranidel De Ocampo

MANILA, Philippines — Para sa misyong maging title contender kung sakaling magbalik operasyon na ang 45th PBA Season, nagpalakas din ng coaching staff ang Talk ‘N Text dagdag sa pinatibay nitong roster nitong offseason.

Winelcome ng KaTropa ang dating manlalaro na si Ranidel De Ocampo bilang pinakabagong miyembro ng coaching staff sa ilalim ni chief tactician Bong Ravena at consultant Mark Dickel.

Kakaretiro lang ng 38-anyos na beterano mula sa Meralco noong Abril sa gitna ng suspensyon ng 2020 PBA Philippine Cup na nagwakas sa kanyang 16-year career buhat nang maging 4th overall draft pick noong 2004.

Bagama’t sa Air21 Express sinimulan at sa Bolts naman tinapos ang kanyang PBA career, sa Talk ‘N Text sumikat nang husto si De Ocampo tungo sa anim na championships, isang Best Player of the Conference plum at dalawang Finals MVP.

Parang homecoming ito kay De Ocampo dahil makakasama niyang muli ang mga dating teammates na sina Jayson Castro at Kelly Williams.

“Coach Ranidel brings us a wealth of championship experience and basketball knowledge that will definitely help our team reach our aspirations for ano-ther championship,”  ani team manager Gabby Cui.

Ang development na ito ang pinakabago sa kampo ng gutom na KaTropa na huling nagkampeon noong 2015 Commissioner’s Cup nang kasama pa nila si De Ocampo. Lumaki ang pag-asa ng TNT lalo’t kargado rin ang line-up nito sa pagdating ng Gilas Pilipinas big man na si Poy Erram bukod pa sa contract extension ni Ray Ray Parks Jr. at pagsikwat kay Simon Enciso mula sa Alaska.

RANIDEL DE OCAMPO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with