Mini-reunion ng Ginebra players

MANILA, Philippines — Nagkaroon ng tila isang mini-reunion ang ilang dati at kasalukuyang players ng Barangay Ginebra Gin Kings.

Sa Instagram post na picture ni two-time PBA Best Player of the Conference Jayjay Helterbrand, makikita na kasama niya ang ilan sa mga dati niyang teammates.

Naka-bonding ni Helterbrand sina Mark Ca-guioa, Joe Devance, KG Canaleta, Rico Maierhofer at Sol Mercado kasama ang Alab Pilipinas player na si Lamont Waters.

“Thank you for having us @ricomaierhofer! AMAZING!,” caption ng naturang post.

Sinunod naman ng walong players ang social distancing na makikita sa larawan.

Na-miss sila ng ilang solid Never Say Die fans matapos makita ang picture na sa ngayon ay may 1,984 likes na.

Show comments