Mag-ina ni Floyd susuportahan ni dating NBA champion Jackson
MINNEAPOLIS — Nangako si dating NBA wing Stephen Jackson sa napatay na si George Floyd na susuportahan niya ang pamilya ng kanyang kaibigan.
Tinawag si Floyd na “twin,” inalala ni Jackson ang kanyang pagbisita kay Floyd tuwing bumibisita siya sa Houston.
Ngayong wala na si Floyd, namatay habang nasa kustodiya ng Minneapolis police noong nakaraang linggo, ipinangako ni Jackson sa Minneapolis City Hall na susuportahan niya ang 6-anyos na anak ni Floyd na si Gianna kasama ang inang si Roxie Washington.
“I’m gonna walk her down the aisle. I’m gonna be there for her. I’m gonna be here to wipe your tears. I’m gonna be here for you and Gigi,” wika ni Jackson. “Floyd might not be here, but I’m here for her, I’m here to get justice, and we’re gonna get justice for my brother.”
Hindi lamang si Jackson ang tutulong sa nauli-lang pamilya ni Floyd dahil nakaipon ang GoFundMe, itinatag ng kapatid ni Floyd na si Philonise Floyd, ng higit sa $11 milyon.
- Latest