Denden Lazaro nagpakita ng kanyang workouts
MANILA, Philippines — Hindi excuse para kay veteran libero Denden Lazaro ang pagsasara ng ilang gym ngayon para mapanatili ang kanyang fit na posture at figure.
Tuluy-tuloy ang pagpapawis ni two-time UAAP champion sa kanilang bahay at ipinakita niya sa lahat ang ilan sa kanyang routine.
Gamit ang dumbbells, ni-record at shinare ni Lazaro ang simpleng upper at lower body workout na puwedeng gawin sa bahay para hindi mahinto ang pagiging active kahit naka-stay-at-home.
“Here’s a simple upper and lower body workout for you guys to try at home. We’re still limited to working out at home, but shouldn’t stop us. I hope you guys stay inspired and motivated to stay fit and healthy,” IG post ni Lazaro.
- Latest