Busy si Michelle Gumabao kahit may pandemic

MANILA, Philippines — Maaasahan hindi lamang sa loob ng court si Michelle Gumabao kundi maging sa labas lalo na ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Naging busy ang Creamline Cool Smashers opposite hitter sa paghahatid ng tulong sa mga kababa-yan natin na lubhang naapektuhan dahil community quarantine dulot ng pandemya.

Sa kanyang Instagram account, makikitang abala ang  three-time Premier Volleyball League (PVL) champion dahil sa kabi-kabilang pag-aayuda na kanyang ginagawa kasama ang boyfriend na si Aldo Panlilio na isang gym owner.

Mula nang mag-lockdown sa Metro Manila noong Marso, gumawa ng paraan ang 2018 Bini-bining Pilipinas Globe para makapagbigay ng relief goods  sa Quezon City.

Nasundan pa ito ng pagbibigay ng meryenda sa mga kapulisan ng lungsod kasama ang baller na si Calvin Abueva at asawa na si Sam Abueva, pag-iikot sa kalsada para mamigay ng pagkain sa mga street dwellers at dumayo rin sa Cavite magbigay-tulong.

Show comments