Nisperos impresibo ang inilaro

MANILA, Philippines — Unang pagsabak pa lamang sa women’s volleyball ng UAAP Season 82 ay matayog agad ang inilapad ni rookie sensation Faith Nisperos matapos tulungan ang Ateneo Lady Eagles na madagit ang unang panalo kontra sa UP Lady Maroons no­ong Miyerkules.

Isa si Nisperos sa ina­a­bangan ng collegiate vol­leyball fans  ngayong ta­on dahil sa matagum­pay na karera niya sa high school at hindi naman ni­­ya binigo ang mga ito nang mag-ambag ng 10 points para magarbong si­mulan ng Ateneo ang title defense.

Umariba man sa kanyang seniors debut ay ami­­na­do si Nisperos na ba­hagya siyang kinabahan sa mga unang minuto ng laro.

“As everyone knows it’s really my dream. Of course, I felt a little nervous at first but then I know itong opportunity na ito is a blessing na ibi­nigay ni Lord,” sabi ni Nis­­peros.

Tubong Davao ang 20-anyos na outside hitter at unang nag-aral sa Ate­neo de Davao bago nag­laro para sa Nazareth School of National University at dalawang beses niyang naibulsa ang Season MVP plum.

 

Show comments