Mahalaga kay Sen. Go ang mga atleta
MANILA, Philippines — Kapakanan ng mga atleta ang pangunahing nasa isip ni Sen. Bong Go.
Kaya naman ibubuhos niya ang buong suporta para maisabatas ang Senate Bill No. 193 at Senate Bill No. 805 na isinusulong ni eight-division world boxing champion at Sen. Manny Pacquiao.
Layunin ng naturang mga bills na proteksyunan ang mga atleta partikular ang mga professional boxers at mga atletang sumasabak sa combat sports.
“I express my full support for the objectives of Senate Bill No. 193 and Senate Bill No. 805. These bills not only aim to strengthen and develop the quality of professional boxing and combat sports in the country but also ensure the protection and welfare of its athletes,” wika ni Go, ang chairman ng Senate Committee on Sports.
Kasama rin sa mga itinutulak ni Go ang pagbuo ng Philippine Boxing Commission.
Subalit taliwas naman ang pananaw ni Games and Amusement Board (GAB) chairman Abraham ‘Baham’ Mitra sa Philippine Boxing Commission dahil kahalintuad lamang ito ng GAB.
“While we laud the initiative, feeling namin nagagawa na namin ang mga gustong gawin at ang mga gusto pang ipagawa sa amin, maaari naman naming gawin basta maalalayan lang po kami nang konti,” ani Mitra.
Iginiit naman ni Pacquiao na hindi nito kinukuwestyon ang kapasidad ng GAB.
- Latest