Smith at James may reunion?

LOS ANGELES – Isang potensyal na re­union sa pagitan nina free-agent guard J.R. Smith at superstar Le­Bron James ang maaaring mangyari sa Lakers.

Nakatakdang sumalang si Smith sa work out ng Los Angeles team nga­yong linggo.

May available roster spot pa ang Lakers matapos pakawalan si guard Troy Daniels.

Huling napanood si Smith noong Nobyembre ng 2018 at pamilyar na sa laro ni James.

Nagsama sina Smith at James sa Cleveland Ca­valiers noong 2015-2018 season.

Ngunit nagkaroon ang 34-anyos na si Smith ng public mental miscue sa Game One ng 2018 NBA Finals nang makalimutan ang iskor.

Show comments