MANILA, Philippines — Sumandal ang Team Celebrity sa pagbibida ni actor Rayver Cruz para gulatin ang PBA Legends and UNTV players, 102-101, sa Wish Olympics noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.
Humataw si Cruz ng 23 points para pamunuan ang celebrity squad sa event na inorganisa ng Wish 107.5 sa pamumuno ni President at CEO Dr. Daniel Razon bilang tulong sa mga pamilya naapektuhan ng pagputok ng Taal Volcano noong Enero.
Nakahugot si Celebrity team coach Emman Monfort ng tig-17 markers kina actor Axel Torres at singer Young JV para talunin ang PBA Legends-UNTV selection ni Allan Caidic.
Tumipa si Caidic ng 25 points at may 12 at 11 markers sina Chris Calaguio at Jayjay Helterbrand, ayon sa pagkakasunod, sa one-day event.
Samantala, tinulungan naman ni dating Ateneo star at ngayon ay TV presenter na si Gretchen Ho ang Team Black sa 26-24, 17-25, 25-18, 10-25, 15-09 paggiba sa Team Orange.