Banario babalik sa featherweight

MANILA, Philippines — Sa kanyang pagbabalik sa original weight class ay haharapin ni Pinoy fighter Honorio “The Rock” Ba­nario si Shannon “OneShin” Wiratchai ng Thailand sa inaabangang “ONE: King of the Jungle” sa Biyernes sa Singapore.

Inaasahang magiging komportable ang 30-anyos na si Banario sa featherweight division kung saan siya naghari noon.

“Here, I am faster, more explosive, and the fans will surely enjoy an exciting match between two hung­ry veterans looking to make a statement to start the year,” ani Banario ng Team Lakay.

Matapos makalasap ng five-bout losing skid sa fea­therweight class ay nagtala si Banario ng limang su­nod na panalo sa lightweight category.

Sa kabila ng mga panalo ay naramdaman ni Ba­na­rio ang kanyang pagbigat at pagbagal ng kilos kaya nagdesisyong bumalik sa featherweight.

Show comments