MANILA, Philippines — Atat na ang mga taga Pangasinan na masilayan muli ang kanilang mga kampeon na kababayan na pepedal sa 10th Anniversary ng 2020 LBC Ronda Pilipinas.
Papadyak sina former champions Santy Barnachea at Ronald Oranza sa nasabing event na magsisimula ang kaskasan sa February 23 sa Sorsogon at magtatapos sa March 4 sa Vigan City.
Kumalawit ng dalawang korona si 43-year-old Barnachea, una ay sa inaugural race noong 2011 at sa fifth edition noong 2015 habang si Oranza ang 2018 champion.
Magkaiba ang kanilang dadalhin na team, aakbayan ni Umingan, Pangasinan native, Barnachea ang Scratch It habang sa powerhouse Standard Insurance (Navy) sasakay si Oranza ang ipinagmamalaki ng Villasis, Pangasinan.
“Basta taga Pangasinan, kahit sino manalo, inaabangan namin dito ang cycling noon pa panahon pa ng Marlboro Tour.” saad ni Victorio Valdez Pablito taga-Carmen, Pangasinan
Mga Pinoy cyclists ang mga maglalaban ngayon ayon kay Ronda Pilipinas chairman Moe Chulani, ginawa nilang all-Filipino race ngayong edition matapos tumulong sa PhilCycling sa kanilang Olympic quest sa pag-organisa ng five-stage UCI-sanctioned race noong nakaraang taon.
“The essence of the LBC Ronda Pilipinas real-ly is giving Filipinos, especially the younger ones dreaming to become big in the sports of cycling someday, an avenue for them to make their dreams a reality,” saad ni Chulani. “We’re bringing the LBC Ronda Pilipinas back to our countrymen in our 10th anniversary celebration because this is really for them,”
Nagbabalik naman ang mga dating kampeon na sina Reimon Lapaza at Mark Galedo.
Naghari si Lapaza, noong 2014 titlist, ibabandera siya ng Celeste Cycles PH-Devel Project Pro Team habang si Galedo, ang 2012 winner ay sasalang sa 7Eleven Cliqq-Air21 by Roadbike Philippines.