Judiciary vs PITC para sa huling semis slot

MANILA, Philippines — Magtutuos ang two-time champion Judiciary at ang Philippine Internatio-nal Global Trading (PITC) sa isang ‘do-or-die’ match para sa ikaapat at huling semis seat sa pagtiklop ng quarterfinal round ng 8th UNTV Cup bukas sa Paco Arena sa Manila.

Kapwa nagtataglay ng 6-5 kartada, maglalaban ang dalawang koponan sa ganap na alas-5 ng hapon para sa huling semis spot ng annual tournament na inorganisa ni UNTV President at CEO Dr. Daniel Razon para sa mga public servants.

Ang mananalo ang haharap sa top seed at defending champion Armed Forces of the Philippines sa best-of-three semifinals series.

Maaari namang ma-kasama ng Department of Agriculture, may 6-5 marka rin, ang mananaig sa pagitan ng Judiciary at PITC showdown kung tatalunin nila ang National Housing Authority sa unang laro sa alas-3:30.

Nauna nang nakamit ng NHA ang ikatlong semis ticket matapos gibain ang PITC Global Traders, 77-74 noong nakarang linggo.

Lalabanan ng NHA Builders ang Department of Environment and Na-tural Resources Warriors sa isa pang semis series.

Umabante naman ang AFP Cavaliers at Warriors sa semis matapos magtapos sa magkatulad na 1-2 kartada sa two-phase elimination round.

Ang mapipiling cha-rity ng champion team ang tatanggap ng tax-free P4 million top prize, habang ang charity ng runner-up ay bibigyan ng P2 milyon.

Show comments