^

PM Sports

Alex Eala umabante sa Aussie Jrs. Open

Chris Co - Pang-masa
Alex Eala umabante sa Aussie Jrs. Open

MANILA, Philippines — Patuloy ang panana-lasa ni Alexandra Eala matapos itarak ang 6-0, 3-6, 6-1 panalo laban kay Julie Belgraver ng France upang umabante sa third round ng 2020 Australian Open junior girls’ singles tournament kahapon sa Melbourne Park, Australia.

Matapos ang kaliwa’t kanang errors sa second set, inilabas ni Eala ang buong puwersa nito sa final frame gamit ang matatalim na baseline shots upang pulbusin ang French rival.

Nagtala si Eala ng impresibong 83% sa net (net points won) habang may 46-of-72 accuracy rate sa first serve in at 7-of-10 break points won.

Nakagawa si Eala ng 30 unforced errors – karamihan sa second set – ngunit hindi ito naging hadlang para magmartsa ang Pinay netters sa Round-of-16 sa kauna-unahang pagkakataon sa isang Grand Slam event.

Makakasagupa ni Eala sa third round si 16th seed Hong Yi Cody Wong ng Hong Kong na nagtala ng 6-3, 3-6, 6-1 panalo kay Liubov Kostenko ng Ukraine sa hiwalay na second-round game.

Nauna nang nagtala si Eala ng 6-0, 4-6, 6-2 panalo kay Shavit Kimchi ng Israel sa first round.

Sa doubles, wagi rin sina Eala at Indonesian partner Priska Nugroho kontra kina Elina Avanesyan ng Russia at Lyubov Kostenko ng Ukraine, 7-5, 4-6, 1-0 (10-8) para pumasok sa second round.

Nakatakdang harapin nina Eala at Nugroho sina Belgraver at Pia Lovric ng Slovenia sa third round.

Kasalukuyang No. 8 si Eala sa world ranking ng International Tennis Federation.

ALEXANDRA EALA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with