Ariza hinugot ng Blazers

PORTLAND, Oregon – Hinugot ng Trail Blazers si veteran forward Trevor Ariza mula sa Sacramento Kings sa kanilang one-on-one trade kahapon.

Nasambot din ng Portland sina Wenyen Gabriel at Caleb Swanigan buhat sa Sacramento kapalit nina Kent Bazemore at Anthony Tol-liver at dalawang second-round draft picks.

Humataw si Ariza, isang 15-year NBA ve-teran na kasama sa Los Angeles Lakers 2009 NBA championship team, ng mga averages na 6.0 points at 4.6 rebounds para sa Kings ngayong season.

Naglaro din si Ariza para sa New York Knicks, Orlando Magic, Houston Rockets, New Orleans Pelicans at Phoenix Suns sa kanyang career.

Mayroon siyang mga averages na 10.5 points at 4.8 rebounds sa 1,043 games.

Tumipa naman si Bazemore, nakuha ng Blazers sa offseason, ng average na 7.9 points habang may mga averages namang 3.9 points at 3.3 rebounds si Tolliver.

Napanood si Gabriel sa 11 games ngayong season at may average na 1.7 points para sa Stockton Kings sa NBA G League.

Si Swanigan ay orihinal na pinili ng Blazers bilang 26th overall pick noong 2017 draft.

Show comments