Winslow pahinga muna

MIAMIDalawang linggo ang ipapahinga ni Heat guard Justise Winslow para makarekober sa kanyang back injury.

Isang beses lang naglaro si Winslow noong Disyembre 4 at inaasa-hang hindi pa makikita sa aksyon sa katapusan ng Enero.

Nauna nang inihayag ng Miami na nagkaroon si Winslow ng back strain ngunit sa pina-kabagong diagnosis nalaman na siya ay may bone bruise.

Huling nakita sa aksyon si Winslow noong Enero 8 kung saan tinalo ng Heat ang Indiana Pacers kasunod ang muling pagkakaroon niya ng problema sa likod.

Nagtala si Winslow ng mga averages na 11.3 points, 6.6 rebounds at 4.0 assists para sa Miami ngayong season.

Show comments