CLEVELAND – Inihayag ng Detroit Pistons na wala pang katiyakan kung kailan makakabalik sa aksyon si forward Blake Griffin matapos ang surgery sa kanyang kaliwang tuhod.
Sinabi kahapon ni Pistons coach Dwane Casey bago ang kanilang pagsagupa sa Cavaliers na wala pang indikasyon sa mu-ling pagtapak ni Griffin sa basketball court ngayong season.
“When your body says you’re ready to come back, you’re ready to come back,” wika ni Casey. “Blake’s a smart man. He’ll know when it’s time. There’s no rush on our part or his part. The most important thing is his total health.”
Kasalukuyang nasa rebuilding season ang Detroit at posibleng hindi makapasok sa playoffs.
Ang 30-anyos na si Griffin ay naglaro sa All-Star Game sa nakaarang season para sa pang-anim na pagkakataon.
Nakita siya sa 18 games ngayong season at may mga averages na career-low 15.5 points at career-low 4.7 rebounds per game.