Brownlee ‘di kuntento sa PBA Finals

MANILA, Philippines — Hindi pa natatalo si im­port Justine Brownlee kontra kay Allen Durham sa kanilang dalawang fi­nals match-ups simula no­ong 2016 subalit hindi ibig sabihin nito ay hindi na siya gutom sa isa pang kampeonato.

Ayon sa 31-anyos na beterano, determinado pa rin siyang makasungkit ng panibagong titulo la­lo’t bigo siya at ang Gi­nebra na makumpleto ang PBA Governors’ Cup ‘three-peat’ noong 2018 matapos ang back-to-back crowns noong 2016 at 2017.

Nasibak sina Brownlee at ang Gin Kings noon sa semifinals kontra sa nagharing Magnolia Hotshots sa pangunguna ni Romeo Travis.

“(We’re) super moti­va­ted. Wish we had that three-peat last year but unfortunately we came up short,” ani Brownlee, nasa kanyang ikaanim na tour of duty na bilang resident import ng Ginebra simula 2016.

“It’s feels good to be in the finals, but we know that at this point we’re not satisfied. And we want to feel that greatest feeling.”

Sa pangunguna ni Brownlee ay nakabalik sa season-ending conference finals ang Ginebra matapos idispatsa ang Northport, 3-1, sa Final Four.

Ngayon ay makakaharap niya ang pamilyar na karibal na si Durham at ang Meralco na dina­ig ang TNT Katropa sa ka­nilang semis wars, 3-2.

Muling paborito ang Gin Kings na makaulit kontra sa Bolts sa PBA Fi­nals.

Show comments