^

PM Sports

Randolph tuluyan nang nagretiro sa NBA

Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni ve­teran power forward Zach Randolph ang kanyang pagreretiro na tumapos sa makulay niyang 17-year NBA career.

Tinawag na ‘Z-Bo’, na­pili ang big man ng Portland Trail Blazers bi­lang 19th overall pick no­ong 2001 NBA Draft mu­la sa Michigan State.

Isinara ng 38-anyos na si Randolph ang kan­yang career na may 18,578 points at 10,208 re­bounds.

“I gave this game my all, and it gave everything back and more,” pahayag ni Randolph sa kanyang official statement na na­ka­poste sa Twitter.

Si Randolph ay two-time All-Star at nahirang na NBA Most Improved Player noong 2003-04 sea­son.

Bukod sa Trail Bla­zers, naglaro din si Ran­dolph para sa New York Knicks, Los Angeles Clippers, Memphis Grizzlies at Sacramento Kings.

Tumipa siya ng mga averages na 16.6 points at 9.1 rebounds.

Huli siyang naglaro noong Marso ng 2018 at walang kumuhang koponan ngayong season.

Negatibo ang naging reputasyon ni Randolph sa unang bahagi ng kanyang career bago siya nagtagumpay sa walong season na pagla­laro para sa Grizzlies.

ZACH RANDOLPH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with