Bolts pinuwersa ang Texters sa game 5

MANILA, Philippines — Hindi siya tatawaging ‘The Hulk’ kung walang dahilan.

Nagtala si Durham ng 36 points, 13 rebounds at 5 assists para buhatin ang Meralco sa 95-83 panalo kontra sa TNT Katropa at itabla ang kanilang semifinals showdown sa 2019 PBA Go­vernor’s Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Mula sa 2-2 pagkakatabla ng kanilang best-of-five semis showdown ay paglalabanan ng Bolts at Tropang Texters ang ikalawang PBA Finals berth sa Game Five bukas sa parehong venue.

Ang mananalo sa nasabing semis wars ang lalaban sa Barangay Gi­nebra sa best-of-seven cham­pionship series na mag­sisimula sa Enero 8.

Sinibak ng Gin Kings ang NorthPort Ba­tang Pier, 3-1, sa semis series.

Itinala ng TNT Ka­tropa ang 17-4 abante sa ope­ning period hanggang agawin ng Meralco ang 56-48 kalamangan sa third quarter sa pamumu­no ni Durham.

Tuluyan nang naitayo ng Bolts ang 12-point lead, 87-75, mula sa fastbreak basket ni guard Ba­ser Amer sa huling 5:26 minuto ng final canto na naputol ng Tropang Tex­ters sa 83-90 sa 2:44 minuto ng laro.

Samantala, bibigyan la­mang ni head coach Tim Cone ng break ang kanyang mga Gin Kings sa Araw ng Pasko at Ba­gong Taon.

Sa pagitan ng dala­wang mahalagang araw ay ang paghahanda ng Gi­nebra ang PBA Finals.

“We’ll take a Christmas Day off, that’s for sure. We’ll take a New Year’s Day off, that’s for sure. That’s the only thing we know for sure we’re gonna take off,” wika ng two-time PBA Grand Slam champion coach.

“I don’t think the guys are gonna be asking for that much time off. It’s too important to come out and play in the finals, too big of an opportunity,” dag­dag pa nito.

Ito ang pang-26 Finals appearance ng Ginebra at puntirya ang ika-12 kampeonato.

 

Show comments