Alab reresbakan ang Mono sa ABL

MANILA, Philippines — Magtatangka ang mai­nit na Alab Pilipinas na makasikwat ng ikaapat  na sunod na panalo kontra sa Formosa Drea­mers sa 2019-2020 ASEAN Bas­ketball League sa Changhua Stadium.

Magaganap ang banggaan ngayong alas-3 ng hapon kung saan susubok ang Alab na masolo ang liderato para sa misyong maangkin muli ang trono matapos masibak bilang defending champion.

Magkatabla sa tuktok ang Alab at Mono Vampire hawak ang parehong 3-1 kartada.

Nagmula ang Alab sa 96-73 panalo kontra sa Mono na siyang nagbi­gay din sa una ng ka­u­na-unahang kabiguan sa ABL season opener no­ong nakaraang buwan.

Para mapagpatuloy ang winning streak ay sasandal si coach Jimmy Alapag sa bagong pambato na si Sam Deguara na pinarusahan ang da­ting koponang Mono sa kanyang 20 points, 10 rebounds at 3 blocks.

Susuporta sa 7-foot-4 na si Deugara sina imports Khalif Wyatt at Nick King at Jason Brickman.  

 

Show comments