^

PM Sports

Evans, Clark tutulong sa Philippine skateboarders

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
Evans, Clark tutulong sa Philippine skateboarders
Jaime de Lange

MANILA, Philippines — Tinapik ng Philippine national skateboarding team ang serbisyo ni 2018 Tame The Taipan champions Josh Evans bilang assistant coach ng downhill skateboarders na sasabak sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games.

Makakatuwang si Evans ni Australian world-class downhill skateboarder Harry Clark na pamunuan ang pagsasanay at paghahanda ng tropa sa inaugural staging ng sports na ito sa regional biennial meet.

Ilang beses na rin nakaharap ni national team mem­ber Jaime de Lange si Evans sa ilang internatio­nal competition at naging malapit din silang magka­ibigan kaya’t alam niya ang kakayahan nito.

“He (Evans) is a great friend of mine. He, Harry and I trained together in the off season, he’s one of the best people I’ve know through and through as a person and one of the most outstanding skateboarders in the world,” sabi ni De Lange.

Bagama’t kapwa Australyano ang dalawa, magka­iba aniya ang dalawa pagdating sa techniques at tips na kanilang tinuturo at binibigay sa pambansang koponan pero isang ‘complete package’ pa rin na kayang bu­mu­o ng isang winning athlete.

“Harry and Josh, different people and they know different things and they reacting fully to those things. But together I think they’re not missing anything at all,” dagdag nito. “They’re complete package toge-ther and they’re gonna create a perfect athlete for the SEA Games.”

Nakita rin ni De Lange ang improvement ng Nationals ngayong papalapit na ang SEA Games at handa sila sa kung anumang pagsubok na maaari pa nilang ka­harapin.

Bukod kay De Lange, sasabak din sa women’s ca-tegory ng sports na ito si Abegail Veloria na nanguna sa National Qualifying Race kamakailan.

Gaganapin ang nasabing downhill skateboarding event sa Disyembre 4 at 5 sa Seaside, Maragondon, Cavite.

EVANS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with