Kukunin na ng Ateneo
MANILA, Philippines — Walang sasayanging panahon sina Thirdy Ravena at ang defending champion Ateneo De Manila University sa pagharap nila sa fourth seed University of Santo Tomas sa Game 2 ng best-of-three Finals ng Season 82 UAAP men’s basketball tournament ngayon sa Mall Of Asia Arena sa Pasay City.
Nakatakda ang salpukan ng Blue Eagles at Growling Tigers sa alas 4:00 ng hapon.
Galing ang Eagles sa 91-77 panalo noong Game 1 kaya posibleng tapusin na nila ang serye para tuluyang makumpleto ang asam na UAAP three-peat title.
Hindi alintana ang 16-araw na pagkatengga ng tropa ni coach Tab Baldwin nang rumatsada ito sa ika-15 sunod na panalo na naglapit sa kanila ng isang hakbang tungo sa pang-11 na korona ng Katipunan-based squad.
“We understand that this game is a chance to finish the season.” wika ni Baldwin na mas importante para sa kanila na masungkit ang korona kaysa sa record na naitala nila ngayong taon. “Believe me, we just want to play this game. We’ll play it really well. Win the game and whate-ver comes with that, comes with that. We don’t want our focus on anything else. Especially any talk about records or anything like that. Let’s just play this game on Wednesday and do the best we can.”
Paniguradong mu-ling magpapasiklab ang graduating guard na si Ravena habang aalalay naman sa kanya sina Ivorian center Ange Kouame, Gian Mamu-yac, SJ Belangel Will Navarro at Matt Nieto.
Sa kabilang panig, tangka naman ng UST Growling Tigers na makaresbak at makaahon mula sa pagkalubog sa putik noong Game 1 upang makahirit ng ‘do-or-die’ game.
Nagpasiklab agad si Rookie of the Year Mark Nonoy sa kanyang unang salang sa UAAP Finals nang umiskor ito ng career high na 26 points ngunit hindi ito sapat para maka-silat ng panalo sa Game 1.
Nagbigay ng mala-king problema si Ravena sa depensa ng Growling Tigers lalo na nang mabaon sila sa 43-66, kaya inaasahang gagawa ng adjustments si head coach Aldin Ayo.
Kakapit muli si coach Ayo kina UAAP MVP Soulemane Chabi Yo, Rhenz Abando, Nonoy at Enzo Subido.
- Latest