NU kampeon sa boys’ at girls’ UAAP volleyball
MANILA, Philippines — Dobleng selebrasyon para sa National University-Nazareth School.
Nakumpleto ng Bullpups ang pagkopo sa back-to-back titles matapos talunin ang top seed Far Eastern University-Diliman, 25-20, 25-20, 25-23, sa Game Two ng UAAP Season 82 boys’ volleyball championship kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Ito ang ikaapat na korona ng Bullpups sa nakaraang limang seasons.
“Very happy ako kasi naibalik namin ‘yung attitude nila na nawala. From scratch, from almost fifth seed, nakuha pa namin ‘yung title. Nag-peak kami nitong time ng championship,” wika ni NU coach Edgar Barroga.
Humataw si back-to-back Finals MVP Mac Bandola ng 15 points tampok ang 13 attacks para sa Bullpups.
Nagdagdag naman si Michaelo Buddin ng 17 markers at 14 receptions, habang may 10 points si Bryan Jaleco kasama ang 6 blocks.
Samantala, nakumpleto rin ng Lady Bullpups ang season sweep matapos ang 25-10, 25-17, 25-15 paggupo sa Adamson Baby Lady Falcons sa Game Two ng kanilang title series.
“The girls did well, ginusto nila ito,” pahayag ni mentor Regine Diego sa kanyang mga Lady Bullpups. “This championship is all them. They played with energy, passion and everything they’ve got.”
- Latest