Painters ginulat ang Beermen sa Lapu-Lapu City

Nakalusot si Rain or Shine import Richard Ross kina John Holland at Arwind Santos ng San Miguel sa first half.
PBA Images

MANILA, Philippines — Bumangon ang San Mi­­guel mula sa 18-point deficit sa fourth quarter pa­­ra makalapit sa three-point disadvantage sa hu­ling 1:06 minuto.

Ngunit nanatili sa ka­ni­lang porma ang Rain or Shine sa likod nina ve­teran Gabe Norwood at guard Rey Nambatac.

Tatlong free throws ang isinalpak nina Norwood at Nambatac sa du­­lo ng final canto para tu­­lungan ang Elasto Pain­ters na takasan ang Beermen, 91-85, sa 2019 PBA Governor’s Cup kahapon sa Hoops Dome sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Umiskor sina Norwood at Javee Mocon ng tig-16 points para akayin ang Rain or Shine sa ka­nilang ikatlong panalo sa 10 laro at buhayin ang tsansa sa eight-team quar­terfinal round.

Nadiskaril naman ang hangad na back-to-back wins ng San Miguel at nahulog sa 6-4.

Para makahirit sa No. 8 seat sa quarter­s ay kaila­ngang ta­lunin ng tropa ni coach Ca­loy Garcia ang Meralco. 

Nakawala ang Elasto Painters sa second period, 28-15, hanggang ilista ang 21-point lead, 65-43, mula sa tatlong sunod na three-point shots ni Norwood sa huling apat na mi­nuto ng third canto.

Sa likod nina import John Holland, five-time PBA MVP June Mar Fa­jardo, Arwind Santos at Chris Ross nakadikit ang Beermen sa 85-88 sa hu­ling 1:06 minuto ng laro mula sa 60-78 agwat.

Ang agaw ni Norwood kay Fajardo ang nagresulta sa kanyang dalawang cha­rities sa huling 43.2 se­gundo at nagdagdag ng isang charity si Nambatac pa­ra sa 91-85 abante ng Rain or Shine.

 

Show comments