Bullpups at Jr. Tiger Spikers humirit ng ‘do-or-die’ game

MANILA, Philippines — Naitulak ng nagdedepensang National Uni­ver­sity-Nazareth School at University of Santo Tomas sa ‘do-or-die’ ang kanilang mga se­­mi­fi­nals matches sa UAAP Season 82 boys’ volleyball tournament sa Blue Eagle Gym ka­ha­pon.

Pinapak ng Bullpups ang No. 2 University of the East, 25-19, 25-18, 25-22, at sinagpang ng Junior Tiger Spi­kers ang No. 1 Far Eastern University-Diliman, 25-20, 20-25, 26-24, 25-22.

Kapwa may bitbit na ‘twice-to-beat’ edge ang Junior Warriors at Baby Tams.

Ang dalawang ‘do-or-die’ matches na ilala­ro sa Miyerkules sa Pa­­co Arena ang mag­de­de­termina sa maglalaban para sa korona.

Humataw si Arvin Ban­dola ng 13 points ka­sama ang 2 blocks at 14 receptions para sa Bullpups, habang nagtala si Michael Fortuna ng 12 markers kasama ang 2 blocks at 10 digs kontra sa Junior Warriors.

Nag-ambag si Rey De Ve­ga ng 20 points at nag­dagdag si CJ Segui ng 12 points, 27 receptions at 10 digs para sa panalo ng Junior Tigers Spoikers laban sa Baby Tams.

Show comments