Embiid, Towns pinatawan ng 2-game ban

NEW YORK — Pina­ta­wan ng NBA sina Phi­ladelphia center Joel Em­biid at Minnesota slotman Karl-Anthony Towns ng tig-two-game suspension without pay dahil sa ka­ni­lang bugbugan kamakalawa.

Nangyari ito sa 117-95 home vic­tory ng 76ers laban sa Tim­berwolves.

Pinatalsik ang dalawang star players sa hu­ling 6:42 minuto ng third quarter kung saan hawak ng Philadelphia ang 75-55 abante.

Itinulak ni Embiid si Towns na gumanti ng suntok ngunit hindi tumama sa sentro ng 76ers.

Napahiga ang dalawa, habang sumugod si Philadelphia guard Ben Simmons at idiniin sa sahig si Towns.

“We deemed the altercation a fight. Therefore, by rule, they’re both ejec­ted,” wika naman ni Mark Ayotte, ang officials’ crew chief. “I just saw them each lock arms. And that es­calated to the fight.”

Ikinadismaya naman ni Tim­berwolves president of basketball operations Gersson Rosas ang na­ging desisyon ng li­ga hinggil sa suspensyon kay Towns.

Show comments