P4 millyon nakataya sa 6th Pasay ‘The Travel City Cup’
MANILA, Philippines — Halos P4 milyon ang maitatakbo ng mga mananalong kabayo sa paglarga ng 6th Pasay ‘The Travel City’ Racing Festival bukas sa Metro Turf Racing Complex sa Malvar, Batangas.
Ang nasabing one-day racing festival na magtatampok sa apat na premyadong karera bilang paggunita sa anibersaryo ng Pasay City.
Ang 6th Pasay ‘The Travel City’ Cup ay may P700,000 para sa unang apat na magtatapos.
Itatampok sa 1,600-meter race ang Summer Romance, Truly Ponti, Stella Malone, Certain To Win, Victorious Colt, Scarborough Shoal, Metamorphosis, Pangalusian Island at Und Kantar.
Apat sa unang limang pagtatanghal ng naturang karera ay pinagwagian ng imported na kabayo kaya naman ikinukunsiderang liyamado ang mga imported runners na Truly Ponti, Certain to Win, Stella Malone, at Und Kantar.
Ang mananalong entry sa 6th Pasay ‘The Travel City’ Cup ay mag-uuwi ng P420,000 para sa winning owner, trainer at jockey.
Naglatag din ng P700,000 para sa 6th Pasay Rep. Tony Calixto Cup na paglalabanan ng limang local runners na Toy For the Big Boy, The Accountant, Shanghai Grey, My Jopay at ang paboritong Boss Emong.
Naglaan din ang Philracom ng P1.04 milyon na guaranteed prize para sa ikalawang leg ng Juvenile Fillies & Colts Stakes na tatakbuhin sa 1,400 metro.
Ang mga official entry ay ang Batang Evalom, Kiwirose, Union Bell, Four Strong Wind, Our Secret, Prime Time Magic, Exponential at Carmela’s Fury.
Premyong P600,000 ang makukuha ng mananalo.
Inaasahan namang manonood ng karera sina Rep. Tony Calixto at Mayor Emi Calixto-Rubiano.
- Latest