^

PM Sports

Blakely nangongolekta ng jersey

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA,Philippines — Para sa misyong ma­se­mento ang samahan ni Marqus Blakely at ng kan­yang mga dating teammates sa Grand Slam champion team na San Mig Coffee (Magnolia nga­yon) ay isang mala­king jersey tribute ang gi­nagawa ng one-time PBA Best Im­port.

Ayon sa 31-anyos na si Blakely, paraan niya ito ng pagkilala sa mga mata­lik na kaibigan sa PBA.

“We can’t play this game forever, so having those type of memories and swapping jerseys like that, when you do retire kno­­wing what that means to you, I think that’s a huge part of you,” ani Blakely.

Unang nakipagpalitan ng jersey si Blakely, im­port ngayon ng Blackwa­ter sa 2019 PBA Go­ver­nor’s Cup, kina Marc Pingris at PJ Simon sa si­­mula ng buwan sa laban ng Elite at Hotshots.

Noong nakaraang ling­go ay kay James Yap naman siya nakipagpalitan ng jersey matapos ang du­welo ng Blackwater at Rain or Shine.

Pero hindi pa tapos si Blakely na umaasang ma­kakapalitan naman niya ng uniporme ang isa sa ma­­lapit na kaibigang si Joe Devance sa laban ng Ginebra at Blackwater sa Miyerkules sa Cuneta Astrodome.

“Probably, I’ll do it again with Joe,” ani Blakely. “We all have different relationships, but we’re all brothers when it comes down to it. That’s just how we are, whether were on dif­ferent teams or not. Still, it’s something that we respect.”

Bago magkahiwa-hi­wa­lay ng landas ay ilang be­ses naging magkaka­sa­­ma noon sa San Mig Coffee ni coach Tim Cone sina Simon, Pingris, Yap at Devance na kinatampu­kan ng kanilang Grand Slam championship no­ong 2014.

 

GRAND SLAM CHAMPION TEAM

MARQUS BLAKELY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with