McCarthy agaw eksena

MANILA, Philippines — Nagduwelo sina top picks CJ Perez ng Columbian at Bobby Ray Parks, Jr. ng Blackwater subalit inagawan sila ng eksena ni Fil-Am guard Rashawn McCarthy.

Kumamada si McCarthy ng 25 points, tampok dito ang 7-of-13 shooting sa three-point range, bukod pa ang 5 rebounds at 3 assists para igiya ang Dyip sa 102-90 pagsagasa sa Elite sa 2019 PBA Go-vernor’s Cup kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Tumapos naman sina Perez at import Khapri Alston na may tig-24 markers habang nagdagdag si Reden Celda ng 12 points.

Nakabawi ang Columbian mula sa nauna nilang kabiguan para ilista ang ikatlong panalo sa limang laban habang nadiskaril ang hangad ng Blackwater na makuha ang back-to-back wins sa kanilang pangatlong kabiguan sa apat na laro.

“We started it in the first quarter and we had good defense every quarter,” sabi ni coach Johnedel Cardel. “Iyon naman ang goal namin.Iyong two losses namin, masama ang depensa namin.”

Maagang ipinoste ng Dyip ang 28-18 bentahe sa pagtiklop ng first quarter patungo sa pagtatayo ng 15-point lead, 33-18, mula sa triple at jumper ni Celda sa pagbubukas ng second period.

Nakalapit naman ang Elite sa three-point deficit, 59-62 sa pagbandera nina Parks at import Aaron Fuller, pinalitan si Marqus Blakely, sa 6:01 minuto ng third canto.

Ngunit muling nakawala ang Columbian para itala ang 100-85 kalamangan buhat sa pang-pito at huling triple ni McCarthy sa natitirang 1:17 minuto ng fourth period.

Pinamunuan ni Fuller ang Blackwater mula sa kanyang 26 points at 10 rebounds kasunod ang 21 ni Parks.

COLUMBIAN -- 102 - McCarthy 25, Alston 24, Perez 24, Celda 12, Tiongson 8, Corpuz 5, Gabayni 2, Cahilig 2, Flores 0, Gabriel 0, Calvo 0.

Blackwater 90 - Fuller 26, Parks 21, Maliksi 9, Sumang 7, Belo 7, Al-Hussaini 6, Cortez 5, Cruz 5, Digregorio 3, Javier 1, Desiderio 0, Dario 0.

Quarterscores: 28-18; 49-42; 77-67; 102-90.

Show comments