Didal umabante sa semis ng SLS

MANILA, Philippines — Lusot si Margielyn Didal sa semifinal round ng Street League Skateboarding (SLS) Global qualifier nang magtapos sa No. 8 spot sa wo­men’s division kahapon sa Sao Paulo, Brazil.

Nakalikom ng kabu­uang 11.1 points ang Pinay skateboard prodi­gy sa limang tricks na ginawa niya para ma­ka­sama sa top 20 na didiretso sa semis ng kasama ang Top 4 rank pros.

Dinaig ng 2018 Asian Games gold me­da­list ang mga Brazi­lians, Japanese at Ame­rican skate­boarders pa­ra pumasok sa top 10.

Makakaharap ni Di­dal sa semis ang mga pam­­­bato ng Japan, Ne­therlands, China, Bra­zil at Ame­rika at kailangan niyang ma­­kalusot sa top 18 para umabante sa Finals.

Kabilang sa mga ma­­kakabangga ni­ya ay ang No. 1 seed na si Aori Ni­­shamura ng Ja­pan at si­na Candy Jacobs at Roos Zwetsloots ng Ne­therlands.

Ang paglahok ni Di­dal sa nasabing torneo ay isa niyang paraan pa­ra makaipon ng mahalagang Olympic points pa­ra sa 2020 Games sa Tok­yo, Japan at paghahanda na rin sa pagsabak sa dara­ting na 30th Southeast Asian Games sa Nob­yembre.

Samantala, nabigo na­man si Filipi­no-Ger­man Daniel Ledermann na makausad sa semis ng men’s division ng tor­neo nang tumapos sa ika-56 sa kabuuang 110 lumahok.

 

Show comments