^

PM Sports

Igot pinana ang ika-8 gold; Baguio City bumandera

Francisco Cagape - Pang-masa
Igot pinana ang ika-8 gold; Baguio City bumandera

PUERTO PRIN­CE­SA CITY, Palawan, Philippines — Tagumpay si Aldrener Igot Jr. ng Cebu City sa pagsungkit ng kabu­uang walong gintong me­dalya sa archery event para maging most be­medalled athlete sa 2019 Batang Pinoy National Finals kahapon di­to sa Ramon V. Mitra Jr. Sports Complex.

Kasama ni Igot sina Khalil Jasper Abella at Kein Torreon para ang­kinin ang gintong me­dalya sa team event bago nagwagi sa mixed event kasama si Densil Shane Dinopol.

Ang iba pang ginto ng Cebuano archer ay mula sa 20m, 30m, 40m, 50m at FITA events.

Samantala sa ibang events, dinomina naman ng Taguig City ang ka­ratedo sa  SM City-Puerto Princesa mula sa kanilang limang gintong medalya at isang pi­lak mula kina Althea Mae La­morte, Alec Rei Cervan, Baby Angel La­morte, Lilah Naomi De la Vega at Drew Kirstein Tiglao sa girls’ kumite-54-kg.

Hindi naman nagpahuli sina  Matthew Justine Hermosa ng Talisay City at Jeanna Mariel Canete matapos hawa­kan ang 13-15-year ca­te­gory sa triathlon na ibinaba sa aquathlon ma­tapos kanselahin ang bi­king event dahil sa madulas na kalsada.

Ngunit ang hataw ni Igot ay hindi pa sapat pa­ra iangat ang Cebu City sa me­dal stan­dings makaraang humakot ang back-to-back natio­nal champions na Baguio City ng 10 ginto sa wushu at walo sa muay thai at marami pang iba sa contact sports para sa 48-36-51 gold-silver-bronze haul.

Sa chess, nakuha ng Dasmariñas City ang da­lawang ginto mula kina Jerlyn Mae San Die­go at  Michael Concio sa premier standard event boys at girls’ 13-15 years old event, ayon sa magkasunod.

Tat­long ginto ang ki­nuha ng Nue­va Ecija sa taekwondo competition.

Ang Cebu City ay ku­molekta naman ng apat na gold medal sa ar­nis event mula sa mga panalo nina Clifford Tonilon (Cadet A boys heavyweight), Ma­­ry Fhaline Caballero (Ca­­det A girls heavyweight), Albert Estrera (Ca­det B boys heavyweight) at Crystal Bowman sa junior girls bantamweight class).

 

IGOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with