MANILA, Philippines — Balik-aksyon ang National Collegiate Athletic Association (NCAA) season 95 men’s basketball tournament matapos ang one-game suspension dahil sa masamang panahon.
Aariba ang San Sebastian College-Recoletos para sundutan ang panalo nito at mas patatagin ang kapit sa ikalimang puwesto sa pagbangga nito sa Emilio Aguinaldo College ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Maglalaban ang dalawang tropa sa main game ng double-header match na ito bandang alas-4 ng hapon.
Kinaldag ng Stags ang ikalawang sunod nitong panalo, kasabay ng pagbabalik-liga ni coach Egay Macaraya matapos patawan ng one-game suspension, nang kalsuhan nito ang Perpetual Altas sa bisa ng 107-90 na panalo.
Minanduhan ni Allyn Bulanadi ang tropa sa pagrerehistro ng kanyang career-high na 31 puntos, (11-of-19 FGs), siyam na rebounds at tatlong blocks habang may 18 marka na sahog si Alvin Capobres.
Hopefully, matuluy-tuloy namin ‘yung winning ways ngayon,” ani Macaraya.
Samantala, puntirya naman ng Generals na madagdagan pa ang panalo ng kanilang tropa at tuldukan ang kanilang five-game losing skid sa huli nilang laro sa first round ng eliminations.
Nanatiling kulelat sa team standings ang Ge-nerals na hawak ang nag-iisa nilang panalo kontra sa Lyceum Pirates noong Hulyo, sa walong asignaturang sinalangan nito.
Sisimulan naman ang double-header na ito sa pagtutuos ng College of Saint Benilde Blazers (5-2) at Jose Rizal University Heavy Bombers (3-5) sa ganap na alas-2 ng hapon.
Maghaharap din sa juniors division ng torneo ang CSB-La Salle Greenhills Greenies (5-3) at Jose Rizal University Light Bombers (4-4) bandang alas-10 ng umaga at sa ganap ng alas-12 ng tanghali ang labanan sa pagitan ng San Sebastian Staglets (2-5) at EAC Brigadiers (1-7).