ANAHEIM, California -- Umalis si Houston Rockets small forward P.J. Tucker sa mga ikinukunsidera para sa USA basketball roster.
Dahil dito ay 14 players na lamang ang pagpipilian ni head coach Gregg Popovich para sa Final 12 ng Team USA sa 2019 FIBA World Cup sa China.
Sinabi ni Tucker na mayroon siyang minor left ankle issue.
Dalawang beses siyang nagkaroon ng twisted left ankle sa nakaraang araw bago nagdesisyong bumitaw sa koponan.
Sa paggaling ng kanyang injury ay inaasahang sasama si Tucker sa training camp ng Rockets sa susunod na buwan.
Ang 34-anyos na si Tucker ang pinakamatandang player na naiwan sa World Cup camp ng mga Americans.
Magtutungo ang koponan sa Australia ngayon para sa tatlong exhibition games at ilang practices bago hirangin ni Popovich ang Final 12.
Kabilang sa mga may malaking tsansang mapabilang sa Team USA ay sina Kemba Walker, Jaylen Brown, Jayson Tatum at Marcus Smart ng Boston Celtics.