2-0 lead pakay ng Katropa kontra sa Brgy. Ginebra

Nailusot ni Ginebra guard LA Tenorio ang kanyang reverse layup laban kay TNT Katropa import Terrence Jones sa Game One.
PM photo Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Kung naging mabisa ang kanilang matibay na depensa no­ong Biyernes ay ito ang muling gagamiting san­data ng mga Tropang Texters laban sa Gin Kings sa 2019 PBA Commissioner’s Cup.

“Depensa talaga. It real­ly helped us especial­ly during the end of the game. We made crucial stops. That’s very important,” sabi ni coach Bong Ravena matapos ang come-from-behind 95-92 win ng kanyang TNT Ka­tropa laban sa Barangay Ginebra sa Game One ng kanilang semifinals wars.

Pupuntiryahin ng Tropang Texters na maitayo ang malaking 2-0 benta­he sa pagharap sa Gin Kings ngayong alas-6:15 ng gabi sa Game Two ng kanilang best-of-five se­­mifinals duel sa Smart Ara­neta Coliseum.

Bumangon ang TNT Katropa mula sa 62-72 pag­kakaiwan sa third period sa pamamagitan ng 17-5 atake na tinampukan ng fastbreak basket ni import Terrence Jones pa­ra selyuhan ang paggu­po sa Ginebra.

Kapwa tumapos sina Jones at big man Troy Ro­sario na may tig-24-points para sa Tropang Tex­ters, habang umiskor si Anthony Semerad ng 17 markers.

“Hopefully, we can play that way again. We ne­ver gave up even if we were down,” ani Ravena. “Basta huwag mawalan ng pag-asa sa depensa be­cause defense talaga will win us the game.”

Kumolekta naman si import Justin Brownlee ng 23 points, 15 rebounds at 9 assists sa pa­nig ng Gin Kings, na­kahugot kina Stanley Pringle at LA Tenorio ng tig-18 markers.

Sa kabila ng kabiguan ay kumpiyansa pa rin si mentor Tim Cone na babangon ang kanyang Gi­nebra para itabla ang ser­ye sa 1-1.

“We feel good about ourselves and we feel we’re gonna bounce back well in Game 2. We’ll see,” wika ng two-time PBA Grand Slam champion coach.

Samantala, kasaluku­yan pang naglalaro ang San Miguel at Rain or Shine kagabi sa Game One ng sarili nilang se­mis duel habang isinusulat ito.

Nakatakda ang Game Two bukas sa MOA Arena.

Show comments