San Juan tinuhog din ang Parañaque
MANILA, Philippines — Ibinilang ng San Juan Knights ang Parañaque Patriots sa kanilang mga biktima matapos kunin ang 81-65 panalo sa 2019 MPBL Lakan Season noong Martes ng gabi sa Caloocan Sports Complex.
Dumiretso ang Go For Gold-supported Knights sa kanilang ikaanim na sunod na ratsada na siya nilang best start sa franchise history at tanging koponang may imakuladang kartada sa torneong binuo ni Senator Manny Pacquiao kasama si PBA legend at dating MVP Kenneth Duremdes bilang Commissioner.
Samantala, umiskor din ng panalo ang Bataan Ri-sers at Caloocan Supremos.
Sinamantala ng Risers ni head coach Jong Uichi-co ang hindi pag-upo ni mentor Ritchie Melencio, nagsilbi ng one-game suspension, para talunin ang Muntinlupa Cagers, 83-56.
Tumipa si collegiate standout Alvin Pasaol ng 20 points para ibalik ang Bataan sa winning track sa 3-3 karta kasabay ng pagpapalasap sa Muntinlupa ng pang-limang kabiguan.
Giniba naman ng Supremos ang Pasay Voyagers, 78-72 sa main game nang magsalpak si Almond Vosotros ng clutch three-point shot sa huling 1:23 minuto ng labanan at naikonekta ang panelyong dalawang free throws para pigilin ang back-to-back losses ng Caloocan.
- Latest