Montgomery pinalitan si Bowles sa Rain or Shine
MANILA, Philippines — Ilang beses nang nasaktan si Denzel Bowles sa mga laro ng Rain or Shine.
Ngunit ang laro laban sa Alaska noong Linggo ang tuluyan nang nagpaupo sa one-time PBA Best Import awardee.
Nakabanggaan ng 6-foot-9 na si Bowles si Aces guard Jeron Teng sa huling 4:03 minuto ng second period sa la-rong naipanalo ng Elasto Painters, 86-84 para palakasin ang tsansa sa quarterfinal round ng 2019 PBA Commissioner’s Cup.
Sinabi ni head coach Caloy Garcia na hindi na maitutuloy ni Bowles, nagkaroon ng knee injury, ang kanyang paglalaro para sa Rain or Shine kaya siya nagpasyang hugutin si 6’7 Carl Montgomery.
Bagama’t mas maliit sa 30-anyos na si Bowles ay kumpiyansa si Garcia na maipapasok ni Montgomery, hindi napili noong 2011 NBA Draft, sa eight-team quarterfinals cast ang RoS.
Naglaro si Montgo-mery para sa JD Unicorns Singapore sa Malaysia at para sa Chicago State at naglista ng mga ave-rages na 12.3 points, 7.4 rebounds at 1.17 assists.
Nakatakdang sagupain ng Elasto Painters ang Magnolia Hotshots bukas ng alas-4:30 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum kung saan inaasahang matutunghayan sa aksyon si Montgomery.
Para sa kanilang hu-ling laro sa eliminasyon ay haharapin ng Elasto Painters ang San Miguel Beermen sa Sabado sa Cagayan de Oro City.
- Latest