DALLAS — Napapayag ng Dallas si Serbian giant Boban Marjanovic na pumirma ng kontrata para maging backup center ng Mavericks.
Ang 7-foot-3 na si Marjanovic ang makakatuwang ni Latvian forward Kristaps Porzingis, lalagda sa $158 million, five-year max contract, sa frontline ng Dallas.
Ang Mavericks ang magiging pang-limang koponan sa pang-limang seasons ni Marjanovic, sinimulan ang kanyang NBA career sa San Antonio Spurs noong 2015-16.
Naglaro ang 30-anyos na backup center sa se-cond round ng Eastern Conference playoffs para sa Philadelphia 76ers sa nakaraang season kung saan nagtala siya ng mga career averages na 6.2 points at 3.9 rebounds.
Samantala, lalagda si Markieff Morris ng isang two-year contract para sa Detroit Pistons.
Nagposte ang 6’10 na si Morris ng mga ave-rages na 11.6 points at 5.5 rebounds sa kanyang eight-year career at nag-laro para sa Washington Wizards, Phoenix Suns at Oklahoma City Thunder.
Nauna nang nakuha ng Pistons si dating NBA MVP Derrick Rose sa pamamagitan ng two-year, $15 million deal.
Inihayag ng Portland Trail Blazers ang paghugot nila kina forwards Mario Hezonja at Anthony Tolliver.
Si Hezonja, ang No. 5 pick noong 2015 Draft ng Orlando Magic, ay naglaro ng tatlong seasons bago kinuha ng New York Knicks sa nakaraang season.
Ang Blazers naman ang magiging ika-siyam na koponan ng 11-year veteran na si Tolliver.