May patutsada na naman si Thurman
MANILA, Philippines – Nagmayabang na naman si undefeated American fighter Keith Thurman sa pagsasabing hindi makaka-survive si reigning WBA regular welterweight champion Manny Pacquiao sa oras na tumama ang kanyang knockout punch.
Hindi aniya uubra ang lakas ni Pacquiao sa kanyang kamao na hinubog ng ilang taong pagsabak nito sa giyera.
“And I plan on pro-ving that and just going toe to toe and testing him, man to man. I really don’t think that Manny Pacquiao is going to take my talent. I am looking for a KO. We’ll see if he can survive,” ani Thurman sa panayam ng Boxing Scene.
Nais ni Thurman na magpakilala sa buong mundo bilang pinakamahusay na boksingero sa welterweight division.
Ipinagmalaki ni Thurman ang malalim umano nitong kaalaman at estilo na hindi kayang pantayan ni Pacquiao sa kanilang nakatakdang salpukan sa Hulyo 20 (Hulyo 21 sa Maynila) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.
“We’re fighting for legacy. We’re fighting for world titles. And I want to make a statement. So I believe that with my ring knowledge and the way that I’ve boxed throughout the years, I just believe that Manny Pacquiao’s style was never a good style against my style,” ani Thurman.
Muling minaliit ni Thurman ang dalawang impresibong panalo ni Pacquiao laban kina Lucas Matthysse ng Argentina at Adrien Broner ng Amerika – mga boksingerong wala naman anyang ningning sa welterweight division.
“He won both fights. He stopped Lucas Matthysse. He dominated against Adrien Broner. He looked great. But obviously those two names are not the biggest welterweights. They’re not the big welterweights. They’re not undefeated,” wika pa ni Thurman.
Sa panibagong pa-tutsada ni Thurman, inaasahang ipagkiki-bit-balikat lang ito ni Pacquiao na nasa puspusang paghahanda sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California.
Nakabalik na sa Wild Card Gym si American trainer Freddie Roach matapos ang ilang araw na pagliban.
Agad na sumalang sa 10 rounds ng mitts si Pacquiao kung saan ramdam na ramdam ang lakas ng kamao nito sa tuwing tumatama sa mitts ni Roach.
- Latest