Horford gustong mag-free-agent

BOSTON — Maliban kay point guard Kyrie Irving, inaasahang hindi rin gagamitin ni center Al Horford ang player’s option sa huling taon ng kanyang kontrata para manatili sa Celtics sa susunod na season.

Ito ay dahil gusto niyang maging isang unrestricted free agent kagaya ni Irving para makahanap ng mas malaking kontrata sa ibang koponan.

Isang five-time All-Star, lumagda si Horford sa isang four-year, $113 million deal para sa Boston noong 2016.

Isa sa mga naging preseason favorites sa nakaraang Eastern Conference, isinara ng Celtics ang regular season na may 49-33 win-loss record.

Sinibak ng Milwaukee Bucks ang Boston, 4-1, sa kanilang conference semifinals showdown.

Isa ang 6-foot-10 na si Horford sa maaasahang players ng Celtics sa nakalipas na season.

Show comments