Creamline nakalapit sa semifinals

MANILA, Philippines — Umarangkada ng husto ang reigning champion Creamline nang iselyo nito ang 25-12, 25-19, 25-16 panalo sa BanKo Perlas para makalapit sa inaasam na semis spot sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference kahapon sa Iloilo City.

Sumulong ang Cool Smashers sa ikalimang panalo sa anim na laro para mapatatag ang kapit sa ikalawang puwesto sa ilalim ng nangungunang PetroGazz na may ima-kuladang 6-0 kartada.

Nagpasabog sina Thai import Kuttika Kaewpin at Open Conference MVP Alyssa Valdez ng kaliwa’t kanang mata-talim na atake gayundin si Venezuelan middle hitter Aleoscar Blanco para pamunuan ang opensa ng Cool Smashers.

“The team is happy because coach Tai (Bundit) is back. We have more connection now and this is important for the team. He only asked for us to be confident, excited and happy every game,” ani Blanco.

Hindi sapat ang pagpasok ni Thai wing spiker Sutadta Chuewulim para buhatin ang Perlas Spi-kers sa panalo.

Si Chuewulim ang pumalit kay American outside hitter Lakia Bright na nagpasyang bumalik na sa Amerika.

Nahulog ang BanKo Perlas sa 2-5 marka,

Dahil sa panalo ng Cool Smashers, awtomatikong nasikwat ng PetroGazz ang unang tiket sa semifinals dahil sa kanilang impresibong baraha.

Show comments