Jones, Brownlee magsusukatan

MANILA, Philippines – Ang bakbakan nina imports Justin Brownlee at da­ting NBA player Terrence Jones ang papagitna sa salpukan ng nagdedepensang Barangay Ginebra at TNT Katropa.

Magtutuos ang Gin Kings at Tropang Texters ngayong alas-7 ng gabi sa 2019 PBA Commissio­ner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Nagmula ang TNT Katropa sa 110-97 pagpapa­bagsak sa San Miguel noong Sabado na tinampukan ng 30 points, 18 rebounds, 5 blocks, 4 assists at 2 steals ni Jones.

“We just want to come in and stay focused. And we just want to make sure we play as a team,” wika ni Jones, naglaro sa NBA para sa Houston Rockets.

Nakalasap naman ang Ginebra ng 81-104 kabiguan sa Rain or Shine.

Makakatuwang ni Jones para sa Tropang Texters sina Jayson Castro, RR Pogoy, Kelly Williams at ang bagong hugot na si Marion Magat, nakuha sa trade sa NLEX Road Warriors.

Sina LA Tenorio, Greg Slaughter, Japeth Aguilar, Scottie Thompson at Joe Devance naman ang susuporta kay Brownlee sa panig ng Gin Kings.

Sa unang laro sa alas-4:30 ng hapon ay magtatapat naman ang NorthPort at Magnolia.

Hinugot ng Hotshots si James Farr bilang kapalit ni John Fields.

Show comments