Lowry itinulak ng fan

OAKLAND, California — Itinulak si Kyle Lowry ng isang fan matapos bumagsak ang Toronto Raptors star sa isang row ng courtside seats sa kanyang pagtatangkang masagip ang bola sa Game Three ng NBA Finals.

Hinabol ni Lowry ang isang loose ball at tumalon sa ere para masagip ito malapit sa kinauupuan ni Golden State Warriors owner Joe Lacob.

Natapik ni Lowry ang bola sa isang re-feree at bumagsak siya sa kandungan ng isang lalaking fan na nakitang sinunggaban ang jersey ng Toronto playmaker ng dalawang kamay.

Isang babaeng fan naman na nakatayo sa gilid ang tumapik sa likod ng veteran guard, habang isang lalaki na nakasuot ng blue shirt na nakaupo ang tumulak kay Lowry sa kanyang kaliwang balikat.

Dahil dito ay tumayo si Lowry at nagreklamo sa mga officials.

 

Show comments