^

PM Sports

Philippine Army Lady Troopers may 2-Thai imports

Chris Co - Pang-masa
Philippine Army Lady Troopers may 2-Thai imports
Kannika Thipachot

MANILA, Philippines — Hindi rin pahuhuli ang Philippine Army na magpaparada ng dalawang matitikas na Thai imports sa 2019 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference na papalo sa Mayo 26 sa The Arena sa San Juan City.

Inaasahang malaki ang maitutulong nina Kannika Thipachot at Sutadta Chuewulim sa kampanya ng Lady Troopers na nais maibalik ang ningning sa kanilang pangalan matapos ang dalawang taong pagliban sa liga.

Parehong outside hitters sina Thi-pachot at Chuewulim.

Bagama’t hindi katangkaran ang dalawang Thai players, kilala ang mga ito sa power-hitting spikes at matikas na floor defense.

Hindi ito ang unang pagkakataong maglalaro sina Thipachot at Chuewulim sa Pilipinas.

Makailang-ulit nang naging import si Thipachot sa PVL.

Naging bahagi ito ng Cagayan Valley Rising Suns na nagkampon noong 2013 Shakey’s V-League at itinanghal itong Best Scorer sa naturang kumperensiya.

Noong 2017, si Thipachot ang import ng Power Smashers sa PVL.

Miyembro rin si Thipachot ng Thailand national team na sumabak sa 2014 FIVB Women’s Volleyball World Grand Prix sa Hong Kong.

Sa kabilang banda, kasama si Chuewulim ng Cagayan Valley noong 2012 edisyon kung saan itinanghal namang runner-up ang Rising Suns sa Open Conference.

Naglaro rin si Chuewulim sa 2019 Philippine Superliga Grand Prix para sa United Volleyball Club.

Si Chuewulim ang naging kapalit na import ni Manu Olevao para sa United VC.

Subalit naging madali ang stint ni Chuewulim dahil isang beses lamang ito naglaro para sa United VC na agad ding nasibak sa kontensiyon.

Ilan pa sa naging koponan ni Chuewulim sa Thailand ang Supreme Chonburi, Bangkok Glass at Queen Air Force.

Makakatuwang nina Thipachot at Chuewulim sina Jovelyn Gonzaga, Mary Jean Balse, Nene Bautista, Honey Royse Tubino, Lutgarda Malaluan, Alina Bicar at Christine Agno.

Apat na beses nagkampeon ang Lady Troopers sa Philippine Superliga - sa Invitational Conference at Grand Prix noong 2013, All-Filipino Conference noong 2014, at Invitational Conference noong 2016.

Nagreyna naman ang Army noong Shakey’s V-League Season 8 Open Conference at Season 11 Open Conference.

PHILIPPINE ARMY LADY TROOPERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with