^

PM Sports

Finals series sisimulan ng Lady Eagles at Tigresses

Francisco Cagape - Pang-masa
Finals series sisimulan ng Lady Eagles at Tigresses
Kat Tolentino

MANILA, Philippines – Magtutuos ang  Ate­ne­o Lady Eagles at Uni­ver­sity of Santo Tomas Tig­resses sa unang pag­kakataon, habang mag­ta­tagpo rin ang NU Bulldogs at FEU Tamaraws sa best-of-three championship series ng Season 81 UAAP volleyball tour­nament sa Smart Araneta Coliseum.

Haharapin ng top seed Lady Eagles ang second seed Tigresses sa Game One ngayong alas-4 ng hapon at sa men’s division ay asam ng Bulldogs ang ikalawang sunod na titulo kontra sa Tamaraws sa alas-12 ng tanghali.

Humawak ng ‘twice-to-beat’ advantage, na­nga­ilangan ang Lady Eagles ng dalawang laro sa semifinals bago napatalsik ang Lady Tamaraws.

Nakuha naman agad ng Tigresses ang unang Finals berth laban sa three-peat champions na  La Salle Lady Spikers.

Sabi ni Ateneo coach Oliver Almadro na mala­king bentahe para sa Tigresses ang halos isang linggong pahinga bago ang kanilang pagtatagpo sa unang pagkakataon si­­mula nang sumali ang Lady Eagles sa UAAP no­ong 1978.

Target ng tropa ni coach Almadro ang ikatlong women’s title si­mula noong 2015,  habang hangad ng Tigresses ang pang-17 korona na huli nilang inangkin noong 2010.

Huli silang pumasok sa UAAP Finals noong 2011 ngunit nabigo sa La Salle.

“They are well-rested, so isa ‘yun sa kanilang ad­vantage. Pero para na­man sa mga players ko, hindi pa tapos ang mis­yon nila. Alam naman natin sa umpisa pa lang ‘yung firepower ng UST,” sabi ni Almadro, tatlong beses iginiya ang Ateneo Blue Eagles sa ko­rona simula Season 77 hanggang Season 79.

Malakas din ang ti­wa­la ng Lady Eagles la­ban sa Tigresses dahil dalawang beses nilang pi­nataob ang UST sa eli­­mination round, 25-21, 25-18, 16-25, 25-22, noong Pebrero 20 at 19-25, 22-25, 27-25, 25-22, 15-11 noong Marso 20.

 

KAT TOLENTINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with