MANILA, Philippines – Iginupo ni Jeffrey De Luna ang kababayang si Alex Pagulayan, 11-5 para sumulong sa semifinals ng 43rd US Open 9-Ball Championship na ginaganap sa Mandalay Bay Resort and Casino Convention Center sa Las Vegas, Nevada.
Agad inilabas ni De Luna ang bangis nito gamit ang malalakas na breaks para maiselyo ang 10-3 kalamangan.
Sinubukang makabalik sa porma ni Pagulayan nang samantalahin nito ang mintis ni De Luna sa No. 3 sa 14th rack para makalapit sa 5-10.
Ngunit iyon na lamang ang nakayanan ni Pagula-yan matapos walisin ni De Luna ang huling rack para makuha ang panalo.
“I really felt the pressure in the first rack. Alex is a great player, a world champion, but I played my game and I am very comfortable now at the table. Last night I played terribly but I practiced today and felt comfortable on the table,” wika ni De Luna.
Makakasagupa ni De Luna sa semis si Joshua Filler ng Germany na nagsumite ng impresibong 11-4 panalo kay Francisco Sanchez Ruiz ng Spain sa hiwalay na quarterfinals.
Magtatagpo sa hiwalay na semsi match sina Chang Yu Lung ng Chinese-Taipei at Wu Jiaqing ng China na namayani sa kani-kaniyang karibal sa quarters.