Davao Occ. vs San Juan simula na ang giyera

DAVAO, Philippines –Lalaba-nan ng South champion Davao Occidental Tigers ang North kings San Juan Knights sa pagsisimula ng kanilang best-of-five series ng MPBL Datu Cup National Finals sa Almendras Gym sa Davao Occidental.

Ang Game One ay ngayong alas-7 ng gabi.

Sinibak ng Tigers ang inaugural staging champion Batangas City Athletics sa South Division Finals, samantalang pinatalsik ng Knights ang Manila Stars sa North Finals.

“We really need this (two-day break). Actually, both teams need this. We are now the final stretch of the long season and there’s no reason for us to be tired. But the two-day break will somehow enable both squads to recharge a bit and prepare for the bigger battle,” sabi ni Davao Occidental coach Don Dulay.

Sanay ang mga Tigers sa paglalaro sa mga tinatawag na “Ligang Labas” na kanilang gagamitin sa pakikipagtuos sa Knights.

Muling sasandigan ng San Juan sina ex-PBA players Mac Cardona, John Wilson at Larry Rodriguez bukod pa kina Larry Muyang, Mike Ayo-nayon at Orlan Wamar.

Hangad ng Knights na maduplika ang kanilang paghahari sa MBA noong 2000 kung saan ipinarada nila sina Randy Alcantara at Gherome Ejercito, parehong miyembro ng coaching staff.

Sa nakaraang season ay nagsilbi si Alcantara bilang assistant coach kay Mac Tan sa Batangas City para maging inaugural staging champion ng MPBL.

 

Show comments