San Juan at Davao Occidental magtutuos sa National Finals

MANILA, Philippines — Nilimitahan ng San Juan ang Manila sa da­lawang fieldgoals sa third period patungo sa kanilang 85-74 pana­lo sa Game Three at pag­harian ang MPBL Datu Cup Northern Division Finals kamakalawa ng gabi sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Matibay na depensa ang naging puhunan ng Knights para patahimi­kin sina Stars scorers Riel Cervantes at Chris Bi­toon.

Walang naiskor si Cer­vantes, habang may 3-of-9 fieldgoal shoo­ting si Bitoon para sa ka­biguan ng Ma­nila.       

Kumamada naman si Orlan Wamar ng 19 points para sa panalo ng Knights, lalabanan ang Davao Occidental Tigers para sa best-of-five National Finals.

Nagdagdag si Mac Car­dona ng 18 mar­kers.

Sa Almendras Gym sa Davao City, giniba ng Tigers ang inaugural staging champion na Ba­tangas City Athletics, 66-51, para pagharian ang Southern Division.

Show comments